Problema

PROBLEMA. Madaling sabihin ngunit mahirap intindihin. Maliit man o malaki, ang problema ay problema. Paano nga ba malalagpasan ang mga ito?

Sa panahon ngayon ay maraming tao na ang sumusuko sa problema. Hindi pa nasusubukan na solusyonan ay sumusuko na kaagad. Hindi mo malalagpasan ang isang bagay kung hundi mo susbukan. Hindi mo makukuha ang isang bagay sa madaling paraan, lahat ay pinaghihirapan. Hindi naman ibibigay ng Diyos ang isang problema kung alam niyang hindi mo ito kaya. Ibinigay niya ito dahil alam niyang kaya mo. Lahat ng bagay ay may solusyon.

Naaalala ko pa kung paano sinubok ng Diyos ang buhay ko. Nakita ko kung paano nasira at nahirapan ang pamilya ko. Nahirapan akong tanggapin ang lahat kaya hindi ko agad naibigay ang kapatawaran. Ngunit sa paglipas ng panahon, nahanap ko rin ang aking sarili at ginawa ang tama. Ika nga nila “acceptance is the key to everything”¬†. Noong una ay gusto kong sumuko pero may isang taong nagsabi sa akin na “Anak, huwag kang sumuko dahil alam kong malalagpasan mo ito”. Iyan ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay.

Marami mang pagsubok at problem ang dumating sa ating buhay ay malalagpasan natin ito. Ang mga pagsubok at problema ay siyang nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon sa atin. Kailangan lamang natin na matutong magpatawad at tumanggap dahil sa huli tayo rin ang makikinabang dito.

Advertisements